Kami, ang mga kasalukuyang miyembro ng Lupon ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas, tapat sa aming mandato na maging mga ahente ng pagbabagong panlipunan tulad ng nakapaloob sa kautusang Apostolicam Actuositatem na nagbibigay-diin na ang “renewal of the temporal order” ay dapat gampanan ng mga layko “ bilang kanilang sariling espesyal na obligasyon,” ay naghahangad na gamitin ang utos na ito, “pinangungunahan ng liwanag ng Ebanghelyo at ng isipan ng Simbahan at udyok ng Kristiyanong katangian.” Sa pahayag na ito, patuloy naming pinapa-alalahanan ang aming mga miyembro na “pangunahing gawain ng mga layko, na nabuo sa aral ng Ebanghelyo, na direktang makilahok sa gawaing pampulitika at panlipunan.” (Pope Benedict XVI, Verbum Dei)
Kumuha kami ng mga direksyon mula sa PCP II (Art.8 #1), dahil mahigpit nitong hinikayat na ang mga may “kakayahan at matapat na tao na may integridad” ay dapat na maging mga kandidato sa pulitika at ang mga layko ay dapat “tumulong sa pagbuo ng civic conscience ng populasyon ng pagboto at magtrabaho upang tahasang isulong ang pagpili ng mga pinunong may tunay na integridad sa pampublikong katungkulan.”
Pagkatapos ng serye ng mga sesyon sa pakikinig na isinagawa sa LAIKO Board at mga personal na pagsusuri, sa pamamagitan ng madasalin na pag-unawa, sa mga profile at platform ng mga Presidential Candidates (mula sa ‘science-based’ na pananaliksik, ‘live’ na panayam at ‘data’ na nagmumula sa mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan), ang kasalukuyang pamunuan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ay naka-abot nang mayoryang desisyon (particular, 11 sa 15, na may 3 abstention at 1 absent) tungkol sa pag-endorso ng isang kandidato para sa pagka-Pangulo.
Bagama’t may iba pang mga isyu* na nangangailangan ng karagdagang pag-uusap at pakikipagtulungan, sa palagay namin ay si Bise Presidente LENI ROBREDO, batay sa kanyang ‘track-record’ ng serbisyo, dedikasyon sa mabuting pamamahala, kakayahang magpatupad ng mga pakikipagtulungan at mga programa para sa pagsulong ng mga mahirap, lalo na ang mga nasa laylayan at ang kanyang walang bahid na integridad, ay nadaig niya ang iba.
Sa kasalukuyan nating kaguluhan sa pulitika-ekonomiya at sa sitwasyong pandemya sa Pilipinas, lubos kaming naniniwala na si Bise Presidente Leni Robredo, isang taong may takot sa Diyos, ay ang pinaka-maykakayahang kandidato para sa pagka-Pangulo, at hinihimok namin ang aming mga nasasakupan, kung maaari, na isaalang-alang din ito.
Kaya naman, tahasan naming ine-endorso si Vice President Leni Robredo para sa pinakamataas na posisyon ng ating bayan.
Ipinagkatiwala ang desisyong ito sa ating makapangyarihan at maawaing Panginoon noong Pebrero 5, 2022.
Sa ngalan ng karamihang miyembro,
RAYMOND DANIEL H. CRUZ JR.
Pambansang Pangulo
CBCP-Sangguniang Laiko ng Pilipinas
Mga Abstention: Gertrudes E. Bautista, Dr. Rene Bullecer at Proculo T. Sarmen
Wala: Conchita M. Dela Cruz
*May ‘Reservations’ dahil sa kanyang paninindigan sa SOGIE, Same Sex Civil Union at Decriminalization of Abortion: Xavy Padilla