Mga Katotohanan at Impormasyon Hinggil sa mga Bakuna para sa COVID-19
Mga layunin ng pamphlet:
- Magbigay ng mga batayang impormasyon hinggil sa bakuna sa COVID-19 at maging gabay sa diskusyon sa mga komunidad.
- Magbigay ng mga tamang impormasyon hinggil sa bakuna at malabanan ang takot dito ng mga komunidad gamit ang mga tama at siyentipikong datos at pag-aaral Maghain ng mga panawagan na maaring bitbitin ng mga komunidad hinggil sa libre, accessible, epektibo at ligtas na pagpapabakuna laban sa COVID-19 at iba pang serbisyong medikal.
Ang National Council of Churches in the Philippines (NCCP), ang sanggunian ng nagsasama-samang sampung mainline na Protestante at di-Romano Katolikong mga simbahan, ay nakikiisa sa pagsugpo sa malawakang paglaganap ng COVID-19 at sa pagtanggol sa mga karapatan at dignidad ng bawat tao. Nagpapasalamat ang NCCP sa Task Force Paghihilom na nakatuwang nito sa pagbubuo ng educational material na ito. Ang Task Force Paghihilom ay isang ekyumenikal na pagtutulungan ng iba’t ibang mga simbahan at masang organisasyon upang magbunga ng komprehensibo at alternatibong programang pangkalusugan sa mga komunidad (community-based health program).