Matapos ang isang taon sa ilalim ng pandemya, tila lalong napalayo ang maraming Pilipino mula sa buhay na nararapat at kasiya-siya (Juan 10:10).
Ngayong kuwaresma, inaanyayahan namin ang lahat upang sama-samang magnilay sa kasalukuyang kalagayan nating mga Pilipino sa pamamagitan ng isang online webinar na pinamagatang “Kalbaryo at Pagbangon sa Panahon ng Pandemya”.
Ito ay gaganapin ngayong Martes Santo, Marso 30, sa ganap na 9:30 to 11:30 N.U.
Para makibahagi, magregister lamang sa link na ito: https://forms.gle/RciTUHwmh4Z5YyYo6
Hinihikayat ang mga dadalo na magsuot ng itim na damit, maghanda ng facemask at bell o anumang matunog na bagay bilang parte ng programa.
Ito ay pinangungunahan ng National Council of Churches in the Philippines kasama ng Churchpeople Workers Solidarity (CWS), Iglesia Filipina Independiente (IFI), United Methodist Church PCC-Board of Church and Society (UMC PCC-BCS), Promotion of Church-People’s Response (PCPR), at United Church of Christ in the Philippines (UCCP).
#KalusuganHindiKalbaryo
#KabuhayanHindiKalbaryo
#Bakunaparasalahat