Nais lamang po namin ibahagi sa ICSI ang isang video mula sa Deutsche Welle (DW) tungkol sa kung paano nagawa ng ibang bansa (partikular sa India) na kontrolin ang pagkalat ng COVID-19 sa mga informal settlements: https://www.youtube.com/watch?v=Avc7jA00N18&feature=youtu.be.
Bagamat hindi naman po natin nababalitaang malubha ang pagkalat ng COVID-19 sa mga siksikang pamayanan sa Pilipinas (o baka hindi lang ipinapaalam sa publiko), magandang suriin natin ang tugon ng pamahalaan sa COVID-19 at isa nga rito ang pagpapatupad ng Balik-Probinsya, Balik-Pag-asa (BP2) Program. May ilan din tayong naririnig na balita tungkol sa pag-evict ng mga pamilya sa gitna ng umiiral na community quarantine.
Speaking of Balik-Probinsya, ibinabahagi rin po namin sa inyo ang latest naming publication na Intersect Quick Facts (IQF) na naglalaman ng ilang datos na sana’y makatulong sa pag-unawa natin hindi lamang sa layunin ng BP2 kundi sa internal migration na nais tugunan (o i-reverse) ng programang ito ng administrasyon. Sana may mapulot po kayo sa mga ito.
PMPI Urban