Ang 8 Isyu na Sinasabing Dahilan kung Bakit Hindi Dapat i-Renew ang Prangkisa ng ABS-CBN

Mga Isyu nauukol sa Konstitusyon:

1.         Hanggang 50 taon lang ang buhay ng prangkisa. Ang ABS-CBN bilang korporasyon ay mahigit na sa 50 years.

Tugon: Testimonya ni Justice Assistant Secretary Nicholas Ty sa pagdinig sa Kongreso: pwede magbigay ng 50 taon na prangkisa, huwag lalampas.

Halimbawa: Ang GMA network nabigyan ng renewal noon 2017 para sa 25 taon. Ang GMA 70 taon na ngayon at pag natapos ang prangkisa nila ay 92 taon na sila sa 2042.

Pag-Isipan:

  •           Magkaiba ang haba ng buhay ng korporasyon sa haba ng prangkisa.
  •           Ang pinagbabawal ng Konstitusyon ay ang pabibigay ng isang prangkisa na hihigit sa 50 taon kada bigay. Pwedeng mag-renew pag natapos ang prangkisa.
  •           Walang malalabag sa Konstitusyon sa pagbibigay ng bagong 25 taon na prangkisa sa ABS-CBN.
  •           Dagdag: Sabi ng isa sa mga sumulat ng Konstitusyon, Atty. Chrisitan Monsod, ang binasang bahagi ng Konstitusyon ng nagsabing bawal ay ayon sa mga pampublikong utilities kagaya ng tubig at kuryente.

2.         May anomaliya daw ang pagbalik ng pasilidad ng ABS-CBN matapos ng EDSA Revolution noong 1986 sa pamilya Lopez, na siyang may-ari nang mag Martial Law.

Tugon: Testimonya ni PCGG Commissioner John Agbayani sa Kongreso na ang pagbalik ng ABS-CBN sa tunay na may-ari, ang pamilya Lopez, ay responsibilidad ng gobyerno dahil ang take-over noong 1972 ay pansamantalang paggamit at pagpapatakbo lamang. Hindi naging pag-aari ng gobyerno ang ABS-CBN kalian man.

Pag-Isipan:

  •          Malinaw na hindi ito isyu dahil walang anomaliya at walang nilabag sa Konstitusyon o batas.
  •          Kailan man hindi nalipat ang pagmaymay-ari ng ABS-CBN mula sa mga Lopez kaya’t obligasyon ng gobyerno noong 1986 na isauli.

3.         Hindi daw Filipino ang ABS-CBN Chairman Emeritus Eugenio “Gabby” Lopez III kayat lumabag sa Konstitusyon ang ABS-CBN.

Tugon: Mula sa Department of Justice, Bureau of Immigration at Securities and Exchange Commission sa testimonya sa Kongreso na si Ginoong Lopez ay isang “natural-born” Filipino at kailan man hindi nawala ito.

Dagdag: Justice Usec. Emmeline Aglipay-Villar – ang confirmation document ng DOJ ay pagpapatunay na siya ay Filipino at hindi pagbibigay ng citizenship.

Justice Assistant Secretary Nicholas Ty – ang pinanganak na may dual citizenship kagay ni Ginoong Lopez ay may karapatan na mag may-ari ng negosyo sa bansa ayon sa ating mga batas.

SEC Commissioner Ephyro Luis Amatong – sumangayon kay Asec. Ty.

Pag-Isipan:

  •           Malinaw na hindi ito isyu dahil walang nilabag sa Konstitusyon o batas.
  •           Tunay na Filipino si Ginoong Lopez mula sa pagkasilang at kailan man hindi nawala ang pagka-Filipino.

4.         Ang paggamit ng Philippine Deposit Receipts (PDRs) na binenta ng ABS-CBN Holdings, Inc., na isa sa mga nag may-aari ng ABS-CBN, sa mga dayuhan ay paglabag sa Konstitusyon dahil bawal ang dayuhan na mag may-ari ng media company.

Tugon: SEC Commissioner Amatong sa Kongreso – inaprubahan ng SEC ang PDRs noong 1999 dahil hindi ito nagbibigay ng pagmaymay-ari sa may tanggan ng PDRs.

 Pag-Isipan:

  •           Malinaw na hindi ito isyu dahil walang nilabag sa Konstitusyon o batas.
  •           Ginagamit ng iba’t ibang kumpanya ang PDRs kung saan hindi pwede ang dayuhan na maging may-ari.

 Mga Isyung Administratibo:

5.         Paglabag sa batas ang pagbenta ng TV Plus at mag-offer ng maraming channel.

Tugon: Ang pagbenta ng TV Plus ng ABS-CBN ay ayon sa mandato ng gobyerno na lumipat ang TV broadcast sa digital signal at dahil sa signal na ito ay may multiple channels.

National Telecommunications Commission (NTC) Commissioner Gamaliel Cordoba – Legal ang multiple-channels sa digital TV sa isang signa.

Legal ang pay-per-view offering ng ABS-CBN TV Plus.

Philippine Cable Television Association Director Ralph Casino – talagang multiple-channels ang digital TV at dahil dito mas maraming pagpipilian ang mga Filipino.

Pag-Isipan:

  •           Malinaw na hindi ito isyu dahil walang nilabag na batas.
  •           Nakakabuti sa mga tao ang digital TV dahil sa mas maraming pagpipilian na channel na walang monthly na gastos.

6.         Mayroon daw paglabag sa mga labor laws ang ABS-CBN.

Tugon: Labor Undersecretary Ana Dione sa Kongreso – batay sa routine inspection ng DOLE sa ABS-CBN noong 2018 at ayon sa “final order” ng DOLE na inisyu noong Enero 2020 ay kinumpirma na ang ABS-CBN ay sumusunod sa lahat ng batas at utos ng DOLE. At kahit sa mga kaso ukol sa labor, sumusunod ang ABS-CBN sa desisyon ng DOLE.

Ang ABS-CBN ay nagbibigay ng 11,071 na trabaho, bukod pa sa mga industriya at negosyo na naka-asa din sa ABS-CBN.

Pag-Isipan:

  •           Malinaw na hindi ito isyu dahil sumusunod ang ABS-CBN sa lahat ng batas at kautusan ng DOLE ayon na ito sa DOLE mismo.

7.         Hindi nagbabayad ng tamang buwis ang ABS-CBN at ginagamit ang kompanyang Big Dipper na tax shield.

Tugon: Ginoong Manuel Mapoy, BIR Assistant Commissioner for Large Taxpayers Service sa Kongreso – regular ang pagbabayad ng ABS-CBN sa BIR. Ang suma ng binyaran mula 2016 hanggang 2019 ay Php 15 bilyon at isa sa pinakamataas na tax-payer sa bansa.

PEZA Director-General Charito Plaza sa Kongreso – hindi totoo na tax-shield ang Big Dipper dahil naaayon sa PEZA law ang tax incentive na tinatanggap ng Big Dipper.

Mula 2003, Php 71.5 bilyon ang binayarang buwis ng ABS-CBN.

Pag-Isipan:

  •           Malinaw na hindi ito isyu dahil walang nilabag na batas.
  •           Tama ang buwis na binabayad ng ABS-CBN ayon sa BIR.
  •           Hindi tax shield ang Big Dipper ayon sa PEZA law.

8.         Mayroon pagkiling ang pagbabalita ng ABS-CBN

Tugon:

1.         COMELEC Acting Finance Director Ephraim Bag-id sa Kongreso – walang reklamo laban sa ABS-CBN ukol sa paglabag sa Omnibus Election Code o iba pang election laws ukol sa may kinikilingan o hindi pantay sa pagbigay ng airtime (“equal airtine”).

2.         Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) President Ruperto Nicdao Jr. sa Kongreso – mabilis ang pagtama ng mga pagkakamali at pagsasayos ng mga isyu kapag nakatanggap ng reklamo na dinaan sa KBP, at sumusunod sa Broadcast Code.

3.         Sumusunod sa “highest professional and ethical standards in journalism” ang ABS-CBN at pinanagot ang mga taong nagkamali sa pagsasagawa ng kanilang trabaho.

o          Pinatunayan ito ng dating News Anchor, Kata Inocencio, 15 taon sa ABS-CBN, na kalian man ay walang inutos na pagkiling para o laban kahit kanino.

Pag-isipan:

  1.          Walang nalabag na batas o code ang ABS-CBN sa larangan ng pagkiling sa balita.
  2.          Nag-sisikap maging propesyonal at etikal ang pagbabalita ng ABS-CBN at handang mapubuti pa ito at isasa-alang-alang ang mga puna at reklamo ng pagiging “biased” o may kinikilingan.
  3.          Ang lawak ng naaabot ng serbisyo ng ABS-CBN sa paghahatid sa buong bansa at sa mga Filipino sa buong mundo ng balita, entertainment at public service ay mahalagang isaalang-alang.
  •           90% o 86 milyong Filipino (19 milyong pamilya sa kabuuang 21 milyong pamilys sa buong bansa) at higit na 3 milyong Filipino sa buong mundo.
  •           70 million Filipino ang nanood at nakikinig sa mga programa bawat linggo.

4.       Hindi lamang balita o entertainment ang hatid ng ABS-CBN, kundi public service sa panahon ng kalamidad:

  •           Pagbabala kung may bagyo o bukang sasabog.
  •           Pagtulong sa relief.
  •           Ang patuloy na pagtulong sa araw-araw na pangangailangan sa pamamagitan ng Bantay Bata, Tulong Center, Bantay Kalikasan.

Comments are closed.