Ang Dala Nito ay Ligalig
Sa ilang mga simpleng larawan na ito ay ipinapahayag nang Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang aming mariing pag-salungat sa panukala ng ating mga mambabatas na lalong naghahasik ng takot at ligalig sa ating mamamayan, sa halip na madaliang tumugon sa mga pangunahin at pinaka-mahalagang panganga-ilangan ng ating bayan.
Sa mga panahong ito, sino ba ang ang dapat protektahan? Bakit sa halip na agaran nilang protektahan at ayudahan ang bayan, minadali pa nila ang pag-protekta sa pamahalaan?
Sinasabi ng panukalang ito na: “The State shall uphold the basic rights and fundamental liberties of the people as enshrined in constitution.” Ngunit bakit sa tweet at larawang ito ay pinasok, pinaghahabol at “dinampot” ang mga kabataang nagpapahayag ng kanilang mga saloobin sa UP Cebu Campus?
Bakit sinasabi ng panukalang ito na hindi terorismo ang advocacy, protest, dissent, mass action and other similar exercise of civil and political rights:
“An Act Amending Articles 29, 94, 97, 98 and 99 of Act No. 4 3815, as amended, otherwise known as the Revised Penal 5 Code”: Provided, That, terrorism as defined in this Section shall not include advocacy, protest, dissent, stoppage of work, industrial or mass action, and other similar exercises of civil and political rights, which are not intended to cause death or serious physical harm to a person, to endanger a person’s life, or to create a serious risk to public safety.”, ngunit panay naman ang “terrorist-tagging” sa kung sino mang mga nagtitipon?
Kung ang mga ito ay nangyayari na ngayon, na wala pa nga ang “Anti-Terror Bill”, ano pa kaya kung mayroon na?
Totoo nga kaya sa buhay ng ilan ang kasabihan na ito? “Ang taong mapang-api at puno ng kasamaan, laging nasa ligalig habang siya’y nabubuhay.” (Job 15:20)
Ano ang kinakatakot at kinaliligalig nila at dapat nilang protektahan ang gobyerno?
Nananawagan ang mga Katolikong Laiko sa ating mga kababayan na magdasal, magmatyag at manindigan laban sa Anti-Terror Act na ito sapagkat ang dala-dala nito ay ligalig para sa ating bayan.
Para sa Pamunuan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas,
7 Hunyo 2020