Homily for St. Jean Marie Vianney, Patron of Priests, Sunday

Photo credit: it.arautos.com

August 5, 2018

This Sunday is dedicated by the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines as St. John Mary Vianney Sunday in honor of the patron saint of all diocesan priests. He is a model of sanctity in his devout celebration the Eucharist and in his patient hearing of confessions. He did all these with remarkable humility and simplicity, a manner of serving and living which God’s people are happy to see in their priests.

We are also at the midpoint of the celebration of the Year of the Clergy and Consecrated Persons. We are aiming at the integral renewal of values, mindsets, behaviors and lifestyles of the clergy and consecrated persons. Consecrated persons are the religious sisters, brothers and members of secular institutes.

In the context of today’s celebration, the readings remind us to value the vocation to priesthood and consecrated life. We are thankful to the Lord for them. In the first reading from the book of Exodus (16:2-4, 12-15), the Israelites complained about the lack of food in the wilderness, “Would that they had died by the Lord’s hand in the land of Egypt when they sat by the pots of meat and they ate bread to the full.” They talked about sufficient bodily food in their slavery in Egypt. In response, God gave them manna for bread and quail’s meat. Today, God continues to give us food, a more valuable food that gives us eternal life, the body and blood of Jesus in the Eucharist. Intimately connected with the Eucharist are the priests who make present the last supper of Jesus where he gave the disciples his body and blood in the form of bread and wine. Through the ministry of priests, we receive the bread of life, Jesus himself, who transforms us after we have received him prayerfully in holy communion.

In the second reading (Eph. 4:17, 20-24), St. Paul describes those who have encountered Jesus and received his teachings. With Jesus, we lay aside our old selves “corrupted by the lusts of deceit.” We are “renewed in the spirit of our minds” and we “put on the new self, created in God’s righteousness and holiness of truth.” Such encounters happen effectively in the sacraments. There we are made children of God, forgiven of our sins, fed with the body of Christ, united by Christ in marriage, strengthened in our sickness and assisted in our hope for life eternal. Christ acts in all of these through the priest.

In the Gospel (Jn. 6:24-35), Jesus reminds us not to follow the example of the Jews who were after the food that perishes. He urged them but to seek the food which endures to eternal life. This food is Jesus himself, he is the food that comes down from heaven and he gives life to the world. Those who come to Jesus will not hunger; those who come to him will never thirst. And who makes these words of Jesus a reality for us today? The priest. Jesus acts through the presence, gestures and words of the priest.

Lest we forget, first and foremost, all the baptized share in the priesthood of Christ. All are called to holiness, to praise and glorify God in all aspects of our lives. The priests among us are called to serve the baptized in their journey towards communion with God and with one another. One does not acquire a higher status by becoming a priest. On the contrary, he shares the identity of Christ as one who serves the flock.

Serving in the person of Christ demands from the priest way of life that is Christ- like. It embraces his whole person, including his faults and weaknesses. Therefore, the faithful whom he serves must pray for him that he becomes true to his identity as a faithful disciple of Christ.

Pray for us priests that like St. John Mary Vianney we faithfully and meaningfully celebrate the sacraments especially the Eucharist and confession.

Pray for us priests that like St. John Mary Vianney we refuse to seek riches, power, comfort and pleasure.

Pray for us priests that we become examples of communion among ourselves, that we live as brothers and that we do not separate ourselves from the lay faithful especially from the poor and the marginalized.

Pray for us priests that we remain faithful to our promises of chastity, simplicity of lifestyle and obedience to the bishop.

Pray for us priests that we attain transparency and accountability in our financial management. Pray too that after 500 years of Christianity in the Philippines we abolish all forms of commercialism in the celebration of the sacraments.

Pray for us priests that as people are murdered daily we denounce violations of human rights especially the right to life. Pray that we become more concerned about protecting others than protecting ourselves. Pray that we introduce programs that will keep our people away from illegal activities.

Pray for us priests that we may truly dedicate ourselves to the Gospel despite discouragement, loneliness, and threats to our lives. Pray that we find greatest honor in the sharing the offering of Christ.

Holy Mary Mother of Priests. Please pray for us! Amen.


Homiliya

Linggo ni San John Mary Vianney
Agosto 5, 2018

Itinalaga ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang linggong ito bilang St. John Mary Vianney Sunday upang parangalan ang patron ng mga paring diyosesano. Siya ang huwaran ng kabanalan sa kanyang mataimtim na pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at matiyagang pagpapakumpisal. Ginawa niya ang lahat ng ito nang may kahanga-hangang kapayakan at kababaang-loob, ang pamamaraan ng paglilingkod at pamumuhay na kinagigiliwang makita ng mga tao sa kanilang mga pari.

Tayo rin ay nasa kalagitnaan na ng ating pagdiriwang ng Taon ng mga Pari at ng mga Nagtalaga ng Buhay sa Diyos. Ninanais nating magkaroon ng ganap na pagpapanibago sa mga pagpapahalaga, kaisipan, asal at paraan ng pamumuhay ng mga pari at ng mga nagtalaga sa Diyos, ng mga brothers at mga kasapi ng mga secular institutes.

Sa diwa ng pagdiriwang sa araw na ito, ipinaaalala sa atin ng mga pagbasa ang kabuluhan ng bokasyon sa pagpapari at sa buhay pagtatalaga sa Diyos. Dahil dito’y tumatanaw tayo ng utang na loob sa Panginoon. Sa unang pagbasa na hango sa aklat ng Exodo (16,2-4. 12-15), umangal ang mga Israelita dahil sa tila kalulangan ng pagkain sa gitna ng ilang, “Mabuti pa sana’y pinatay na kami ng Panginoon sa Egipto. Doon, nakakakain kami ng karne at tinapay hanggang gusto namin”. Ang tinutukoy nila’y ang pagkaing nakapupuno ng kanilang sikmura habang sila’y alipin sa Egipto. Bilang tugon, binigyan sila ng Diyos ng manna at mga pugo. Sa kasalukuyan, patuloy tayong binibigyan ng Diyos ng pagkain, pagkaing higit na mahalaga ‘pagkat ang dulot sa ati’y buhay na walang hanggan, ang katawan at dugo ni Hesus sa Eukaristiya. Kadugsong ng Eukaristiya ang mga paring nagdadala sa ating piling ng Huling Hapunan ni Hesus kung saan ibinigay niya sa kanyang mga alagad ang kanyang katawan at dugo sa anyong tinapay at alak. Sa pamamagitan ng paglilingkod ng mga pari, napapasaatin ang tinapay ng buhay, si Hesus mismo, na nagpapabago sa atin matapos na siya’y ating tanggapin sa banal na pakikinabang.

Sa ikalawang pagbasa, (Efeso 4,17. 20-24), inilalarawan sa atin ni San Pablo kung sino ang may pakikipagtagpo kay Hesus at tumatanggap ng kanyang aral. Kay Hesus, isinasantabi natin ang ating lumang pagkatao “na napahamak dahil sa masamang pita”. Tayo’y dapat magbago ng “diwa at pag-iisip” at ating angkinin ang “bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, kalarawan ng kanyang katuwiran at kabanalan”. Ang pakikipagtagpong ito’y nagaganap sa mga sakramento. Sa pamamagitan nito ay ginawa tayong mga anak ng Diyos, pinatawad ang ating mga kasalanan, binubusog ng katawan ni Kristo, pinag-isa ni Kristo sa kasal, dinadamayan sa ating mga karamdaman at pinatibay ang ating pag-asa sa buhay na walang hanggan. Ginawa ni Kristo ang lahat ng ito sa pamamagitan ng pari.

Sa ating ebanghelyo (Juan 6,24-35), pinapaalalahanan tayo ni Hesus na huwag tularan ang mga Hudyong ang nais lamang ay ang pagkaing napapanis. Tinuruan niya sila na ang hanapin ay ang pagkaing nananatili hanggang sa buhay na walang hanggan. Ang pagkaing ito ay si Hesus mismo, siya ang tinapay na bumaba mula sa langit na nagbibigay-buhay sa mundo. Sinumang lumapit kay Hesus ay di magugutom ni mauuhaw kailanman. At sino ang nagpapaganap ng mga salitang ito ni Hesus sa atin ngayon? Ang pari. Kumikilos si Hesus sa pagkatao, kilos at salita ng pari.

At huwag nating kalilimutan na ang lahat ng binyagan ay nakikibahagi sa pagiging pari ni Kristo. Lahat ay tinatawagang maging banal, na magbigay-papuri sa Diyos sa bawat larangan ng ating buhay. Ang ating mga pari ay tinawag upang paglingkuran ang mga binyagan sa kanilang paglalakbay patungo sa pakikipag-isa sa Diyos at sa kapwa-tao. Ang pagiging pari ay hindi ang pagkakaroon ng mataas na posisyon na titingalain ng mga tao. Subalit, dapat niyang pagsumikapang tularan si Kristo sa paglilingkod sa kawan.

Ang pagtulad sa paglilingkod ni Kristo ay nag-uudyok sa pari na mabuhay katulad ni Kristo. Ang buhay na ito’y yumayakap sa kanyang buong pagkatao kasama na ang kanyang kahinaan at karupukan. Kung kaya’t marapat lamang na siya’y ipagdasal ng mga mananampalataya na kanyang pinaglilingkuran upang siya’y maging tapat at totoong alagad ni Kristo.

Ipanalangin ninyo kaming mga pari upang katulad ni San Juan Maria Vianney ay maipagdiwang naming matapat at makahulugan ang mga sakramento lalo na ang Eukaristiya at ang kumpisal.

Ipanalangin ninyo kaming mga pari upang katulad ni San Juan Maria Vianney ay iwaksi namin ang makamundong yaman, kapangyarihan, sarap ng buhay at kalayawan.

Ipanalangin ninyo kaming mga pari nang kami’y maging mabuting halimbawa ng pagkakaisa, nang kami’y mamuhay bilang mga magkakapatid at huwag kaming lumayo sa mga layko lalo na sa mga dukha at sa mga minamaliit.

Ipanalangin ninyo kaming mga pari nang matapat naming maisabuhay ang aming pangako ng kalinisan, kapayakan ng buhay at pagsunod sa obispo.

Ipanalangin ninyo kaming mga pari nang aming nagampanan ng may katapatan at pananagutan ang pangangalaga sa pera ng simbahan. Ipanalangin n’yo rin na sa pagdiriwang ng ika-500 taon ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas ay maiwaksi natin ang anumang anyo ng pagnenegosyo sa pagdiriwang ng mga sakramento.

Ipanalangin ninyo kaming mga pari na habang ang walang habas na pagpatay ay nangyayari araw-araw ay magkaroon kami ng lakas ng loob na magsalita laban sa paglabag sa karapatang pantao lalo na sa karapatang mabuhay. Ipanalangin ninyong maging handa kaming ipagtanggol ang kapakanan ng iba kaysa sa aming sarili. Ipanalangin ninyong makagawa kami ng mga programang makapaglalayo sa mga tao sa anumang gawaing labag sa batas.

Ipagdasal ninyo kaming mga pari na tunay naming maialay ang aming sarili sa Mabuting Balita sa kabila ng kawalan ng gana, kalungkutan at banta sa aming buhay. Ipanalangin ninyo na aming matagpuan ang ganap na karangalan sa aming pakikibahagi sa pag-aalay ni Krsito.

Maria, Ina ng mga pari, ipanalangin mo kami! Amen.

Comments are closed.