A Personal Prayer to the Blasphemed God [Pansariling Panalangin sa Nilapastangan na Diyos]

From Fr. Pete Montallana

God: Most Holy, Super Intelligent and All Powerful!
I ask pardon from you
For the insults heaped on you
Calling you: “Stupid.”

Diyos: Kabanalbanalan, Napakamatalino at Pinakamakapangyarihan
Patawad, Lord, patawad
Sa pagkalapastangan Saiyo
Na Kayo daw ay – “Stupido”.

I was one of those who encouraged my friends to vote for Rodrigo Duterte.
Who with a well-designed media strategy
Mesmerized me into believing that under his leadership genuine change would become a reality
And Filipinos would be finally liberated from the clutches of the oligarchy – local and foreign.

Isa ako sa nagkampanya sa mga kaibigan na iboto si Rodrigo Duterte
Magaling silang paikutin ang mass media
Napaniwala akong sa kanyang pamumuno magkakaroon ng tunay na pagbabago
At sa bandang huli makakalaya na ang mga dukha sa kuko ng iilang nagmamay-ari ng Pilipinas na mga kababayan at banyaga.

For two years I defended his cursing and cussing
That it was simply his way of communicating
Despite the fact that I know from experience
The laws and policies under his administration have been institutionalizing more sufferings for the poor
and systematical destruction of Mother Earth
Contrary to what he says.
I was patiently hoping against hope for genuine change.
Sa loob ng dalawang taon denepensahan ko ang kanyang pagmumura
Na ito nga ay pamamaraan lamang niya ng pagpapaabot ng kanyang ibig sabihin
Kahit na alam ko sa aking personal na karanasan
Na patuloy na ipinapako ng mga batas at polisya ng kanyang administrasyon
Ang nakakaraming Pilipino sa kahirapan
At ang Inang Kalikasan ay tuloy tuloy na nasisira
Taliwas sa kanyang mga sinasabi.

But when he blasphemed You
Whom the vast majority of Filipinos worship,
I have had enough.
Words rattling from his mouth reveal what is indeed lurking in his heart.

Ngunit nang lapastangin niya ang Iyong Pagka-Diyos
Kayo na sinasamba ng karamihang Pilipino
Napuno na ako.
Ang mga salitang bumubulwak sa kanyang walang kontrol na bibig
Ay nagpapahayag lamang ng magulong kalagayan ng kanyang puso.

Most Holy, Super Intelligent and All Powerful God:
I am praying that You enlighten Rodrigo Duterte
To simply resign from his position
Humbly admitting that he has lost his moral ascendancy to lead the Philippines.

Kabanalbanalan, Napakamatalino at Pinakamakapangyarihan
Nananalangin akong liwanagan mo si Rodrigo Duterte
Na magbitiw na lamang siya sa kanyang tungkulin
Buong kababaang-loob na aminin na nawalan na siyang kakayahang moral na pamunuan pa ang Pilipinas

I aware that I am publicly praying for an intention with dangerous implications
For trolls could magnify the dark side of my life in the media;
My advocacies for the poor and the environment could be paralyzed;
Men riding in tandem could simply send me to the other world –
Like the thousands who were extrajudicially killed for being non-human beings –
I too might have an early reunion with Fr. Tito Paez
Who was killed mercilessly for championing the weak.

Namamalayan ko na ang hayagang pagpapanalanging ito ay mapanganib;
Maaring kalkalon at ikalat ng mga trolls sa media ang madilim na bahagi ng aking buhay
Pahinain ang mga ipinaglalaban ko para sa mga mahihirap at Kalikasan;
Maari din itulak na ako ng mga tandem patungo sa ikalawang buhay
Katulad ng libu-libong pinatay na walang paglilitis dahil sila daw ay di mga tao
Maari din mapapadali na pagkikita na namin ni Fr. Tito Paez
Na walang awang pinagbabaril dahil sa ipinagtatanggo niya ang mga mahihina.

I am afraid – my humanity trembles –
But Jesus inside me assures me: “Blessed are you when you are persecuted“
Thus making me draw courage from the numerous heroes and saints who offered themselves
So that the Kingdom of peace, justice and love triumph over the forces of Evil.

Takot din ako
Ngunit sa kaloob-looban ko nagsasalita si Jesus:” Mapalad ka kung ikaw ay usigin.”
Napapalakas ang loob ko katulad ng mga bayani at mga santo na inialay ang kanilang sarili
Para mapagtagumpayan ang kampon ng Kasamaan
Ng Paghahari ng kapayapaan, katarungan at pagmamahal.

All Holy, Super Intelligent and All Powerful God:
Accept this small offering of my life
That the “new heavens and the new earth” becomes a reality in the Philippines.
May Your Will be done.
Amen.

Kabanalbanalan, Napakamatalino at Pinakamakapangyarihang Diyos:
Tanggapin po ninyo ito abang alay ko ng aking sarili
Makatulong man lamang ako sa pagpagiging-ganap ng “bagong langit at bagong lupa” sa bansang Pilipinas.
Mangyari nawa ang Iyong Kalooban.
Amen.

Comments are closed.